Guro, inakusahang nakipagtalik sa 16-anyos estudyante

3184

Arestado ang isang high school teacher sa South Carolina, US matapos umanong makipagtalik sa 16-anyos na estudyante, ayon sa awtoridad.

Inakit daw ni Anna Elizabeth Jeanette Patton, 22, ang estudyante sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga hubad niyang litrato at maiinit na mensahe.


Ayon sa Darlington County Sheriff’s Office, tatlong buwan itong ginawa ng suspek mula Okt. 1, 2019 hanggang nitong Enero 11.

Ilang beses na rin umanong mayroong nangyari sa guro at sa estudyanteng hindi ibinubunyag ng awtoridad ang kasarian.

Sinampahan ng sexual battery with a student 16 to 17 years of age, disseminating obscene material to a person under 18 years, at criminal solicitation of a minor si Patton.

Nakalaya ang suspek matapos mag-piyansa ang suspek makaraan ang unang pagdinig noong Lunes.

Nakatakdang bumalik sa korte si Patton sa Mayo.

Facebook Comments