Pasiklab na Away Pamilya sa Buldon, Tinuldukan na!

Agad ng tinuldukan ng Local Government Unit ng Buldon ang umuusbong na hidwaan sa pagitan ng ilang indibidwal mula sa tatlong pamilya ng nasabing bayan.
Kanina, pinangunahan mismo ni Buldon Mayor Abolais Aratuc Manalao ang isinagawang pag-aayos sa mga personalidad upang hindi na mauwi sa away pamilya o RIDO.
Isinagawa ang settlement sa 2nd MBLT Headquarter sa Nituan Parang , Maguindanao at sinaksihan mismo ni BatCom Lt.Col. Jorge Garcia.
Kinabibilangan ng mga indibidwal mula sa pamilyang Batio, Cawi at Tocal ang ipinag-ayos ni Mayor Manalao. Kapwa naman nanumpa sa banal na Quran ang mga ito at kapwa nangako na muling maibabalik ang magandang samahan .
Nag-ugat ang tensyon ng mga nabanggit na pamilya matapos may mapatay na di –umanoy nag-ugat dahil pag-ibig.
Sinasabing on the spot na naaktuhan ng di na kinilalang mister ang misis nito na nakikipagrelasyon sa ibang lalaki resulta ng madugong insidente noong nakaraang taon.
Nagpapasalamat naman si Mayor Manalao sa mga pamilyang involved at agad na tumugon sa kanilang pakiusap at panawagan ng pagkakaisa.Napag-usapan rin na wala ng kasong isasampa laban sa naging responsable habang naglaan naman ng Blood Money para sa pamilya ng naging biktima.
Isinuko rin ang baril na nagamit sa krimen.
Naging posible rin ang settlement sa tulong ng ADR Team, mga Religious Leader ng bayan, Buldon Municipal Police Station at ABC Chairman ng bayan ng Barira.

Facebook Comments