Guro, inireklamo ng pananakit ng isang estudyante

Manila, Philippines – Inireklamo ng isang lalaking grade 4 student ang ginawang pananampal at pagsakal ng kaniyang guro sa Tondo, Maynila.

Kwento ng biktima, nagalit ang guro dahil hindi siya nagdala ng ballpen kaya sinakal at sinampal siya ng kanyang guro.

Giit naman ng lolo ng biktima, dapat maalisan ng lisensya ang guro at makulong.


Ayon kay Police Superintendent Gene Licud, station commander ng MPD Station 7, sakaling mapatunayan ang sinasabi ng bata makikipag-ugnayan sila sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at maari arestuhin ang inireklamong guro.

Tiniyak naman ng guidance counselor ng paaralan na iimbestigahan nila ang insidente at ibibigay sa bata kung ano ang kakailanganin niyang intervention.

Maaring maharap ang guro sa reklamong paglabag sa Republic Act 7610 o “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.”

Facebook Comments