Cauayan City, Isabela- Pinarangalan bilang Ulirang Guro sa Filipino 2021 ng Komisyon ng Wikang Filipino sa buong bansa si Ginoong Mark Jhon Prestoza na kasalukuyang Guro ng Quirino National High School sa Quirino, Isabela.
Nagtapos si Prestoza ng Master of Arts in Education Filipino at kasalukuyang kumukuha ng Doctor of Philosophy in Language Education-Filipino sa Isabela State University.
Pinarangalan din ito bilang Outstanding Researcher taong 2019 kung saan ang kanyang mga akda at saliksik ay nalathala sa Saringit Journal Division of Isabela Learning Resource Management Division, Region 2 Curriculum Implementation Division.
Bukod dito,kasapi rin siya sa KATAGA ONLINE, Instabright Publication at Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino.
Nangunguna rin ang Guro sa Palihan at Panayaman sa Malikhaing Pagsulat.
Maliban sa pagiging magaling na mananaliksik ay manunulat rin siya sa wikang Filipino.
Samantala, pinangunahan rin niya SINAG Literary Magazine kung saan ito ang nagbibigay espasyo sa kabataan sa kanyang komunidad na maipakita ang kanilang talento at hilig sa pagsusulat.
Aktibo rin ito sa gawaing pananaliksik na nakatuon sa wika at edukasyon kung saan nagsilbi rin itong awtor at editor ng mga Learning Resource Materials sa kanilang dibisyon.