MASS TESTING SA LAHAT NG EMPLEYADO NG DSWD REGIONAL OFFICE 1 ISINAGAWA; SKELETAL WORKFORCE, IPATUTUPAD

Sumailalim sa mandatory swab testing ang lahat ng empleyado ng Department of Social Welfare and Development Region 1 dahil sa patuloy na pagtaas bilang ng empleyado na tinamaan ng COVID-19.

Sa opisina ng DSWD Field Office sa San Fernando, La Union ay isinagawa ang Mass Testing katuwang ang City Government bilang hakbang sa paglaban sa COVID-19.

Mababatid na ang San Fernando, La Union ay patuloy sa pagkakatala ng daily COVID-19 cases nito na di umano’y dahil sa Delta Variant.


Ipatutupad naman sa tanggapan ang Skeleton workforce para masiguro ang kaligtasan ng empleyado at publiko at upang maipagpatuloy umano ang programa at serbisyo nito habang mahigpit na ipinapatupad ang health and safety protocols dahil sa COVID-19.

Facebook Comments