Guro na 2 taon nang dumudumi sa pampublikong parke, nahuli

Dinakip ng awtoridad ang isang high school na paulit-ulit tumatae sa isang pampublikong parke sa Wisconsin, US sa loob ng halos dalawang taon.

Umamin ang English teacher na si Jeffrey Churchwell, 60, na dumudumi siya sa loob at labas ng mga gusali sa Natureland Park mula noon pang 2017, ayon sa The Janesville Gazette.

Inireklamo ng isang manggagawa na mayroong taong nag-iiwan ng dumi at gamit na toilet paper sa parke, limang araw sa isang at ilang beses sa isang araw.


Paulit-ulit na nililinis ng mga trabahador ang mantsa sa mga haligi ng gusali at kung minsan ay kailangan pa raw itong pinturahan ulit.

Sinampahan ng disorderly conduct at pinagmulta si Churchwell ng $365 (higit P18,000), at dagdag na $5,705 (higit P280,000) bilang bayad-pinsala sa Public Works Department.

Sa isang e-mail sa awtoridad, humingi ng paumanhin ang guro at sinabing disnayado siya sa kanyang sarili.

“I’m so disappointed in myself. I have the great opportunity to teach ‘Political Rhetoric.’ … In this class, I stress the importance of involved citizenship. And then there I am being a lousy citizen of Walworth County. My hypocrisy now sickens me,” saad niya.

Magreretiro na sa Enero 16 si Churchwell na nagtuturo sa Milton School District simula pa noong 1990.

Facebook Comments