Lalaking may problema sa pag-iisip na hit and run sa Pangasinan

Sugatan ang isang lalaki sa Bugallon, Pangasinan matapos mahagip ng truck at tinakbuhan pa ito ng drayber.
Kinilala ang biktima na si Jefferson Lopez y Manaoat, 47 anyos at residente ng Sitio Socony, Brgy Salasa, Bugallon, Pangasinan.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, ang biktima umano ay may problema sa pag iisip at habang naglalakad ito sa national highway ng bigla na lamang itong mahagip ng isang truck na minamaneho ng hindi pa nakikilalang drayber.
Agad umanong tumakas ang drayber lulan ng truck.
Dinala ang biktima sa ospital upang magamot ang tinamo nyang sugat.
Nagsasagawa na ngayon ng imbestigasyon ang otoridad upang malaman ang pagkakakilanlan ng drayber na suspek.

Facebook Comments