Guro na ‘ipinahiya’ ni Raffy Tulfo, maaring magsampa ng kaso – Atty. Belaro

Screenshot captured from Aksyon sa Tanghali episode last November 20.

Dismayado ang isang mambabatas sa umano’y naging trato ng mamamahayag na si Raffy Tulfo sa gurong inireklamo sa programa niya. 

Ayon kay dating 1-Ang Edukasyon Rep. Bong Belaro, nararapat lamang magsampa ng kaso si Melita Limjuco laban kina Tulfo, production team ng TV5, magulang at lola ng batang nagreklamo.

“Mrs. Limjuco’s right to due process was clearly violated by Raffy Tulfo, TV5, and her pupil’s parents and grandparents during that televised interview. Mrs. Limjuco and her family are also suffering intense mental and emotional anguish from being humiliated and degraded in that interview,” pahayag ni Belaro ngayo’y dean ng Wesleyan University College of Law at dating commission ng Integrated Bar of the Philippines.


Aniya, naging “judge, jury,at executioner” ang “Wanted Sa Radyo” host at pinangunahan ang Department of Education (DepEd) na dapat nag-iimbestiga sa naturang kaso.
Paglilinaw ng dating kongresista, sakop ng Child Protection Policy ang titser mula sa Epifanio delos Santos Elementary School.

“Based on the available facts, Mrs. Limjuco’s disciplinary measure is not inconsistent with the provisions of the DepEd Child Protection Policy and is yet to be proven to have infringed any of our country’s child protection laws. Let us await the DepEd decision on this issue. In fact, it is Mrs. Limjuco’s person and rights that have been violated on live national television,” dagdag pa ng abogado. 

Viral ngayon online ang isang episode ng “Aksyon sa Tanghali” kung saan inireklamo nina Salve Bañez at Rosemil Edroso ng pamamahiya si Limjuco.

Nang makausap ni Tulfo ang guro, pinapili niya ito kung magbibitiw na lamang sa tungkulin o tatanggalan siya ng lisensiya dahil puwede umano siyang i-demanda ng abuse.

Inulan ng batikos ang grupo ni Tulfo hinggil sa paghawak sa naturang insidente.

Facebook Comments