Guro na wanted sa rape, arestado

Napasakamay na ng mga awtoridad ang isang guro na itinuturing na Top 2 Most Wanted Person ng Eastern Police District (EPD), at Top 3 Most Wanted Person ng Pasig City dahil sa kasong statutory rape.

Kinilala ang suspek na si alyas “Dodzman” na nang-abuso umano sa isang 14-anyos na dalagita.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dalawang beses pinagsamantalahan ng suspek ang biktima, una sa isang hotel sa Pasig City noong June 14, 2024 at naulit muli noong June 26 sa isang lodge sa Antipolo.


Natunton ng pulisya ang suspek sa Pavia, Iloilo City.

Sa ngayon, nakapiit sa custodial facility ng Pasic City Police Station ang suspek habang hinihintay ang commitment order na ilalabas ng korte.

Facebook Comments