Guro ng Pagalungan Patay sa pamamaril

13

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Cotabato City PNP kaugnay sa motibo ng pamamaril patay sa syudad sa isang guro ng Pagalungan Maguindanao pasado alas singko kahapon.

Sa report mula sa PNP, naglalakad lamang ang biktimang kinilala na si Dr. Nasser Gayak sa tapat ng New Tams Bakery, sa downtown area ng pagbabarilin ng di nakilalang salarin.

Tatlong tama sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan ang natamo ng biktima mula sa bala ng Caliber 45 pistol. Pipilit pa sana itong isnalba sa pagamutan ngunit idineklara itong Dead on Arrival.

Bumuhos naman ang pakikiramay sa sinapit ng biktima kasabay ng pagsigaw ng agarang hustisya.

Ito na ang ikalawang insidente ng pamamaril na ang naging biktima ay guro ngayong linggo, noong nakaraang araw sugatan din sa pamamaril ang Principal ng Bulol National High School sa Pikit North Cotabato.

PIC: GNG

Facebook Comments