Guro, Ninakawan ng Sasakyan!

293

*Ilagan City, Isabela- *Pinaghahanap na ng mga alagad ng batas ang responsible sa pagnanakaw sa isang sasakyan na pagmamay-ari ng isang guro sa Purok 1 Brgy. San Vicente, Cify of Ilagan, Isabela.

Kinilala ang biktima at may-ari ng nawawalang Silver Gray na Honda City na may plakang XMR 857 na si Sherwill Balisi, 36 anyos, walang asawa at residente ng nabanggit na lugar.


Sa nakuhang kaalaman ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), ipinarada lamang ng biktima ang kanyang sasakyan sa harap ng kanyang bahay subalit nagulat na lamang ito kinabukasan nang madiskubre na wala na ang kanyang kotse.

Pasado alas syete kaninang umaga nang magtungo ang biktima sa himpilan ng PNP Ilagan City upang ireport ang naturang insidente.

Patuloy naman ang follow-up operation ng mga otoridad laban sa suspek na posibleng maharap sa kasong Carnapping.

Facebook Comments

From Advertisers