Patay na nang matagpuan ang isang guro sa loob ng kanyang bahay sa Bridgend, Southwales Unite Kingdom isang linggo matapos umano itong hampasin ng upuan ng estudyante sa loob ng paaralan.
Ayon sa ulat, nagtuturo ang hindi kinilalang biktima sa Ysgol Bryn Castell nang mangyari ang insidente.
Sinasabing mayroong kabuuang bilang na 147 mag-aaral sa edad mula 7-19 ang eskwelahan.
Sa isang Twitter post ng School headteacher Helen Ridout, sinabi niyang, “Apologies, due to unforeseen circumstances, YBC is closed for all pupils on Monday 2nd December 2019.”
Batay din sa salaysay ni Councillor Charles Smith, “There was an incident with a pupil earlier in the week and the teacher has died later,”
Nagbigay naman ng pahayag ang nanay ng batang sangkot sa nangyaring insidente.
“I am devastated at the news a member of staff has died. They are an amazing staff who make our cbhildren a part of their family,” aniya.
Sa inilabas na pahayag ng pulisya, sinasabing sinisiyasat pa ang hindi maipaliwanag na pagkamatay ng guro.
“A post-mortem examination is due to take place later today to try and establish the cause of death,” ayon sa pulis.
Samantala, pansamantalang ipinasara ang paaralan para sa patuloy na pagsasagawa ng imbestigasyon.