Guro sa China, hinatulan ng death penalty dahil sa panlalason sa mga estudyante

147

Hinatulan ng kamatayan ng korte ang isang guro na nanlason sa halos dalawang dosenang estudyante sa China noong March 2019.

Nabatid na nilagyan ni Wang Yun ng ‘sodium nitrate’ ang pagkain ng mga estudyante ng kaaway niyang guro kung saan isa sa mga bata ang namatay.


Ginagamit ang sodium nitrate sa pataba sa lupa, food preservation at mga pampasabog.

Napag-alaman din ng korte na hindi ito ang unang pagkakataong ginawa ito ni Wang Yun dahil nilason na rin niya ang kanyang asawa gamit ang kaparehas na kemikal.

Samantala, posibleng isagawa ang parusa kay Wang Yun sa pamamagitan ng firing squad o lethal injection.

Facebook Comments