Jinkee Pacquiao, tinawag na “Plantita Queen” ng mga netizen

248

May nanalo na!

Yan ang reaksyon ng mga netizens matapos na ibahagi ni Jinkee Pacquiao sa kanyang social media account ang naglalakihan niyang mga halaman.

Niyanig ni Jinkee ang mundo ng mga plantito at plantita nang ipakita niya ang kanyang variegated alocasia elephant ear.

Nabatid na aabot sa P20,000 pataas ang presyo ng naturang halaman na patok ngayon sa mga nahihilig magtanim.

Dahil dito, tinawag siyang “Plantita Queen” ng mga netizen at nagbirong forest na raw ang kanyang binili.

Umabot na sa mahigit 50,000 likes ang nasabing post ni Jinkee sa kanyang Facebook.

Facebook Comments