Kaugnay nito, nanawagan si Vivian Tunac, Master III ng Cauayan City National High School sa mga estudyante na magsuot ng nararapat at kaaya-aya kapag nasa loob ng eskwelahan.
Binigyang diin nito na iwasan ang pagsusuot ng mga crop tops, at mga damit na hapit na hapit umano sa katawan na animo’y nasa fashion show.
Aniya, magsuot ng mga kaaya-ayang mga damit na nagpapakita ng respeto sa sarili at sa paaralan.
Matatandaan na nakasaad sa DepED order no. 065 series of 2010 na hindi na obligado ang mga estudyante sa pagsusuot ng mga uniporme lalo na sa mga mag-aaral sa pampublikong paaralan.
Nauna nang inihayag ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte, na malaki umano ang maitutulong nito lalo na sa mga magulang dahil hindi na kinakailangan ng mga ito na bumili ng uniporme o magpatahi para sa kanilang mga anak.