Patuloy ang ginagawang cleansing ng DSWD-ARMM sa listahan ng mga benipisyaryo ng Pantawid Pamilyang Filipino Program (4Ps) sa buong ARMM.
Kaugnay nito, nagbabala si ARMM Exec. Sec./DSWD-ARMM Concurrent Sec. Atty. Laisa Alamia sa mga guro, school principal at eskwelahan na mag-i-issue ng hindi makatotohanang certificate of perfect attendance sa mga mag-aaral na anak ng 4Ps benificiaries.
Sinabi ni Sec. ALAMIA na ang sino man sa mga nabanggit ang mapapatunayang lumabag dito ay maaring matanggal sa serbisyo at hindi na kaylan man maaring magtrabaho sa ano mang posisyon sa gobyerno.
Isa kasi sa mga kondisyon ng P4s ay dapat 85 percent ang minimum attendance ng mga nag-aaral na mga anak ng benepisyaryong pamilya.(photo:bpiarmm)
Facebook Comments