Guro, sumuko sa pulis matapos ang di-umano’y pakikipag-oral sex sa isang estudyante

3000

TEXAS, United States – Isinuko ng isang high school teacher ang kanyang sarili matapos ang di-umano’y pakikipag-oral sex niya sa isang estudyante sa loob ng paaralan.

Sinabi ng hindi kinilalang mag-aaral na ang guro na si Randi Chaverria ay dalawang beses na isinagawa ang alegasyon noong mga bandang Okt.16 sa Round Rock High School.


Mayroon ding text messages na naipakita ang estudyante sa mga pulis na nagpapatunay sa ginawa ng naturang guro.

Samantala, nagbigay din ng letter sa principal ng paaralan ang ilang magulang ng mga estudyanteng naging biktima ni Chaverria.

Ayon sa ulat, nadiskubre ang hindi tamang pakikipagrelasyon ng guro sa nagsumbong na estudyante noong Nob.18, at dahil dito ay kinailangang niyang mag-leave sa paaralan.

Dahil dito, nagpasyang mag-resign si Chevarria at matapos ang ilang araw ay sumuko rin sa pulisya.

Base pa sa report, nabigyan pa ng titulo ang guro na, “2019 Secondary Teacher of the Year” ng kanyang paaralan.

Facebook Comments

From Advertisers