Viral na ‘7-Evelyn’ sari-sari store, pinapabago ng 711 manager

42151
From Facebook/Calvin Pasaol Carlson

Kahit maraming natuwa sa viral na ‘7-Evelyn’ sari-sari store, pinapatanggal ng isang manager ng 711 ang karatula ng tindahan dahil umano sa copyright infringement law.

Sa litratong ibinahagi ni Calvin Pasaol Carlson, pinuntahan at kinausap ng tauhan ng naturang kompanya ang may-ari ng trending sari-sari store.


Kuwento ng uploader, pinapapalitan ng pangalan at pinapabago nito ang hitsura ng munting tindahan ng kaniyang nanay.

Aniya, alam nilang labag sa batas ang nagawa pero napagkatuwaan lamang nilang gayahin ang disenyo at logo ng kilalang convenience store.

Nagulat din silang naging viral sa social media ang tindahang ‘7-Evelyn’.

“Pinuntahan talaga kami ng manager ng 7-11 at pinapatanggal nila. Salamat sa mga nag-share and comments. Nag-viral talaga. Ano kayang pangalan ang ipapalit natin? Suggest na po kayo. Hehehehe,” pahayag ni Pasaol na isinalin sa wikang Tagalog.

Bumuhos naman ng suhestiyon mula sa netizens kung anong maaring hitsura at pangalan ng nasabing sari-sari store.

From Facebook/Calvin Pasaol Carlson

Facebook Comments

From Advertisers