Idinaan sa obitwaryo ng isang public school teacher sa United States ang kanyang pasubali sa muling pagbubukas ng klase sa gitna ng coronavirus pandemic.
Plano ng 35-anyos na si Whitney Reddick sa ilahad ang ginawang self-remembrance sa board meeting ng kanilang paaralan sa Duval County, Florida.
“With profound sadness, I announce the passing of Whitney Leigh Reddick. A loving and devoted teacher, mother, daughter, wife, aunt, and friend to all whose lives she touched, on August 7th, 2020,” bungad niya sa sariling obitwaryo na ibinahagi rin sa Facebook nitong Agosto 4.
“She left us while alone in isolation and on a ventilator at a Duval county hospital in Jacksonville, Florida,” dagdag ng guro.
Inilarawan niya ang sarili bilang “assertive, strong-willed, bossy” at dedikadong magsilbing boses at tainga kung kinakailangan, sa gitna ng laban.
“She fought with vigor for things she believed in. She stood up to injustice, embraced those who differed from her, and truly listened when spoken to,” saad ni Reddick.
Pero aniya, “However, even though she shouted from the rooftops, attempted to be unemotional, and educated herself in facts and science, she succumbed to the ignorance of those in power.”
“She returned to work, did her best to handle all the roles placed on her shoulders; educator, COVID-security guard, human shield, firefighter, social worker, nurse, and caregiver but the workload weakened her, and the virus took hold,” pagpapatuloy ng guro.
Sa ulat ng Action News Jax, sinabi ni Reddick na sa kabila ng kanyang protesta sa balik-eskwela, babalik pa rin siya sa paaralan upang gampanan ang kanyang tungkulin.
Maraming guro na rin sa Florida ang nagpahayag ng kanilang pagtutol at takot sa pagbubukas ng klase sa gitna ng krisis.
Mababatid na lumagpas na sa apat na milyon ang kumpirmadong kaso sa US, batay sa datos ng Centers for Disease Control and Prevention.