Gurong nag-post ng isang video na posibleng nagpapakita ng child abuse, iniimbestigahan na ng DepEd

Iniimbestigahan na ng Department of Education (DepEd) ang isang guro na nag-post ng isang video na posibleng nagpapakita ng child abuse.

Ayon sa DepEd, sakaling mapatunayang may pananagutan ay posible itong patawan ng kaukulang parusa.

Paalala naman ng kagawaran sa mga teaching at non-teaching personnel na laging isaalang-alang ang ethical at professional standards sa bawa’t salita at kilos kahit pa sa social media.


Samantala, bagama’t suportado ng Teachers Dignity Coalition ang hakbang ng DepEd ay masakit pa rin ito sa mga guro.

Paliwanag kasi ni Benjo Basas, pangulo ng Teachers Dignity Coalition na trabaho ng DepEd na protektahan ang mga guro sa mga karapatan nito.

Para naman sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), hindi dapat balewalain ang anumang aksiyon dahil ito ay nakabatay sa pananaw at pakiramdam ng biktima.

Sa ngayon, hinikayat ng DSWD ang publiko na huwag nang i-share ang mga nakikitang psoibleng insidente ng child abuse.

Handa naman itong makipagtulungan sa DepEd kung kinakailangan.

Facebook Comments