Gurong nagpapanggap na miyembro ng NPA upang mangikil ng pera sa mga paaralan, arestado sa Las Piñas

Arestado sa isinagawang entrapment operation ang isang guro sa Las Piñas na nagpapanggap na miyembro ng New People’s Army (NPA) upang mangikil ng pera.

Kinilala ng Crime Investigation and Detection Group (CIDG) ang suspek na si Jake Castro, 26-anyos.

Ayon sa CIDG, nagpapadala ang suspek ng e-mails sa mga paaralan upang pagbantaang bobombahin ito kung hindi sila magbabayad ng ₱2 milyon.


Bahagi ng e-mail ang utusan ang mga biktima na bidyohan ang paghahanda ng pera sa isang kahon at ipapadala ito sa kaniya sa ibinigay ng address.

Tinatayang nasa 114 paaralan na sa Metro Manila ang nakatanggap ng naturang mensahe sa loob lamang ng dalawang araw.

Nakuha sa suspek ang boodle money matapos magpanggap ang mga awtoridad na kawani ng isang paaralan at isang caliber 38 na baril.

Mahaharap sa patong-patong na kaso ang suspek na nasa kustodiya na ngayon ng pulisya.

Facebook Comments