Parañaque LGU, magdaraos ng job fair sa post-labor day

34

Inanunsyo ng lokal na pamahalaan ng Parañaque na magkakaroon ng isang araw na job fair bilang paggunita sa araw ng paggawa o labor day sa Mayo.

Ayon kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, isasagawa ang job fair sa May 4 na gaganapin sa Parañaque City Hall simula alas-8:00 ng umaga.

Ang registration para sa job fair ay “first come, first served” dahil sa limitadong slots.


Pinaalalahanan ng alkalde ang mga lalahok na magdala ng sariling ballpen, alcohol at COVID-19 vaccination card.

Dapat ding magsuot ng face mask at sundin ang physical distancing.

Ang pagdiriwang ng labor day ngayong taon ay may temang: “Matatag na manggagawa, matatag na bansa”.



Facebook Comments