104 na empleyado ng DND, isinailalim sa random drug testing

28

Isinalang sa random drug testing ang 104 na mga empleyado ng Department of National Defense (DND).

Ayon kay DND Spokesperson Director Arsenio Andolong, ginawa ang drug test kahapon sa National Reference Laboratory ng East Avenue Medical Center.


Aniya ang random drug test ay pinangunahan ng tanggapan ng Undersecretary for Defense Policy na layong matiyak na drug free ang work place ng DND.

Sa impormasyon pa mula sa DND magtatagal ng ilang araw o linggo bago malaman ang resulta ng random drug test.

Facebook Comments