Manila, Philippines – Posibleng umabot sa walong mga senador ang nakatakdang magtungo France ngayong June 26.
Ayon kay Senator JV Ejercito, imbitasyon ito ng France at sagot din ng nabanggit na bansa ang gastos.
Sabi ni Ejericto, gagamitin nila ang naturang pagkakataon para plantsahin ang gusot sa pagitan ng Pilipinas at European Union na pinamumunuan ng France ngayon.
Nagkalamat ang relasyon ng Pilipinas at European Union makaraang palagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpuna at pakikialam ng EU sa kanyang ikinasang war on drugs.
Nagbanta naman ang European Union na tatanggalin ang zero tariff sa mga inaangkat at ini-export ng Pilipinas na mga produkto sa European countries.
Ayon kay Ejercito, ang kanilang delegasyon ay pangungunahan ni Senate President Koko Pimentel, kung saan kasama din sina Senators Panfilo Ping Lacson, at Loren Legarda.
Iginiit ni Ejercito na mahalagang maibalik ang magandang relasyon ng pilipinas sa EU dahil bukod sa tulong sa kalakalan, ay kinakailangan din ngayon ang kooperasyon ng mga bansa para labanan ang matinding problema sa terorismo.
DZXL558, Grace Mariano