i Confessions: Lady Valentina

2436

Dear iFM,
Itago niyo na lang po ako sa pangalang Lady Valentina. Nais ko po sanang ibahagi ang aking kuwento at sana po ay mabigyan niyo din ako ng payo. Ako po ay dalawampung taong gulang at kakagraduate palang sa kolehiyo, nanggaling po ako sa aming probinsya at umuwi lamang ako ng Maynila upang makahanap ng mas magandang trabaho dito dahil sabi nila ay mas madaming oportunidad dito. Nakitira po ako pansamantala sa aking pinsan na si Kuya Ferdie. Isa po siya sa pinakamalapit kong pinsan, may asawa na siya at may anak na tatlong taong gulang. Siya ang nag-alok sa akin na sakanila na lang ako tumira pansamantala dahil tatlo lang naman sila sa bahay at may kalakihan naman ang kanilang tahanan. Upang hind imaging pabigat ay tumutulong ako sa mga gawaing bahay. Madalas umalis ang asawa ni Kuya Ferdie dahil sakanyang trabaho.
Habang nakatira ko sakanila ay mas napapalit kaming dalawa ng aking pinsan. Tinulungan niya din akong makahanap ng mapapasukang trabaho. Kahit nakahanap na ako ng trabaho ay sakanila pa din ako tumutuloy. Hindi na nila ko pinaalis dahil baka mahirapan pa daw akong maghanap ng bagong matitirhan, okay lang naman daw sakanila na nandoon ako. Nakahanap ako ng trabaho bilang isang isang sales lady sa isang sikat na department store, maaga akong pumapasok sa umaga at umuuwi ako ng mga bandang hapon. Si Kuya ferdie ay may trabaho sa umaga at maaga ding nakakauwi sa bahay habang ang kanyang asawa naman ay madalas on call sa trabaho at minsan ay gabi na kung umuwi, ang kanilang anak ay iniiwan nila sa tagapag-alaga nito na stay out yaya. Madalas kaming nagkakasabay kumain ng hapunan ni Kuya Ferdie at dahil dito ay mas dumadami an gaming nalalaman sa isa’t isa. Sakanya ko nakukuwneto madalas ang aking mga problema. Siya ang parati kong karamay dito sa Maynila. Kung minsan na wala akong pasok ay ako ang nag-aalaga sa kanilang anak.
Hanggang sa kinailangan umalis ng kanyang asawa papuntang Cebu dahil sa trabaho nito. Ang sabi niya samin ni Kuya Ferdie ay magtatagal siya doon ng halos isang linggo. Tatlong araw matapos umalis ng kanyang asawa ay nakatuwaan namin na uminom ni Kuya Ferdie at dahil sa aming kalasingan ay may nangyari sa aming dalawa. Hindi ko lubos maisip na may mangyayari sa amin ng pinsan ko. Sinabi niya na wag kong sabihin ito sakanyang asawa kaya’t tikom ang aking bibig ng dumating ang kanyang asawa. Mas dumalas ang pag-alis ng asawa ni Kuya Ferdie at sa pangalawang pagkakataon ay naulit ang nangyari sa amin hindi ko alam pero nagustuhan ko ang nangyari saming dalawa ni Kuya Ferdie. Matapos may mangyari sa amin ay sinabi niya na nagustuhan niya din ang nangyari sa pagitan naming dalawa. Ilang beses pang naulit na may nangyari sa amin.
Tuwing umaalis ang kanyang asawa at naiiwan kaming dalawa ay bigla na lang niya kong yayakapin at hahalikan hanggang sa may mangyari na sa aming dalawa. Habang tumatagal ay hindi na pinsan ang nagiging tingin ko sakanya. Nakikita ko na siya bilang isang lalaki na pwede kong mahalin. Alam ko pong mali ang nangyayari sa aming dalawa dahil bukod sa may asawa na siya ay magpinsan din kaming dalawa ngunit hindi ko po alam kung paano titigilan ang kabaliwang ito. Sana po ay matulungan niyo ako at mabigyan ng payo.

Maraming Salamat po,
Lady Valentina


Facebook Comments