Manila, Philippines – Inaasahang mapaplantsa kung anuman ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ni Pangulong Rodrigo Duterte at European Union o EU.
Ito ay sa pamamagitan ng inaantabayanan ngayon na commemorative summit sa pagitan ng EU at Association of Southeast Asian Nation o ASEAN na nagdiriwang din ngayong ng ika-40 taong anibersaryo bilang dialogue partners.
Magugunitang ilang beses ng binanatan ni Pangulong Duterte ang European Union na humantong pa sa pagpapalayas nya sa mga ambassadors nito.
Ito ay makaraang punahin ng EU ang war on drugs ng Duterte administration at ang sitwasyon ng karapatang pantao dito sa Pilipinas.
Facebook Comments