‘Gusto lang namin magbanyo’: Ice Seguerra, nagbahagi ng personal na karanasan bilang transgender

Instagram/ Ice Seguerra

Inilahad ng singer na si Ice Seguerra ang bagay na kinatatakutan niya sa paggamit ng mga pampublikong palikuran bilang transgender man.

Kasunod ito ng diskriminasyong naranasan ng isang trans woman na hindi pinayagang pumasok sa female CR sa isang mall sa Cubao.

BASAHIN: Transgender woman, inaresto matapos pagbawalan sa pambabaeng CR sa Cubao


“Honestly, this is one of my biggest fears whenever I’m out,” panimula ni Seguerra sa kanyang Instagram post kaakibat ang screenshot ng naturang balita.

“Lalo na pag nasa Arabic countries ako. Pag sa pambabaeng banyo, ilang beses na akong pinalabas. And kung sa panlalaki naman, ang daming tanong, lalo na kung may mga Pinoy. Kapag may ASEAN events akong dinadaluhan nung nagtatrabaho ako sa NYC, hindi ako umiinom ng tubig buong araw kasi natatakot ako mag banyo,” saad niya.

Nagbigay din si Seguerra ng mensahe sa mga taong nagsasawalang-bahala sa nangyari kay Gretchen Diez na hindi pinayagan ng janitress na pumasok sa female CR sa Farmers Plaza.

“This is a real concern. Na hanggat hindi mo pa nararanasan, isasawalang bahala mo lang…Para sa iba mababaw, pero hindi eh. Hindi mababaw ‘yung pagtititnginan ka ng mga tao, lalo na ‘yung papalabasin ka. Parang kinakain ako ng lupa sa tuwing nangyayari ‘yun and what’s worse is I don’t feel safe,” giit niya.

“And now this….just because gusto lang namin magbanyo.”

 

View this post on Instagram

 

Honestly, this is one of my biggest fears whenever I’m out. Lalo na pag nasa Arabic countries ako. Pag sa pambabaeng banyo, ilang beses na akong pinalabas. And kung sa panlalaki naman, ang daming tanong, lalo na kung may mga pinoy. Kapag may ASEAN events akong dinadaluhan nung nagtatrabaho ako sa NYC, hindi ako umiinom ng tubig buong araw kasi natatakot ako mag banyo. This is a real concern. Na hanggat hindi mo pa narararnasan, isasawalang bahala mo lang. Concern na hindi ko kailanman inisip na pagdadaanan ko rin pala. Para sa iba mababaw, pero hindi eh. Hindi mababaw yung pagtititnginan ka ng mga tao lalo na yung papalabasin ka. Parang kinakain ako ng lupa sa tuwing nangyayari yun and what’s worse is I don’t feel safe. All of these feelings and more, AND NOW THIS… just because gusto lang namin magbanyo.

A post shared by Ice Diño Seguerra (@iceseguerra) on

Gumawa ng ingay at pumukaw sa atensyon ng ilang mambabatas at maging mga artista ang nangyari kay Diez.

Nauna na si Bataan Congresswoman Geraldine Roman, na isa ring transgender woman, na agad napasugod sa police station para kundenahin ang nangyari.

Nagpahayag din si Senador Risa Hontiveos na hindi katanggap-tanaggap ang diskrimininasyong nararanasan ng mga transgender.

Facebook Comments