Manila, Philippines – Kinumpirma ng Civil Service Commission (CSC) na dumarami ang bilang ng mga ‘millenial’ ang gustong mag-resign sa kanilang trabaho mapapribado man o gobyerno at nais na lamang magkaroon ng home-based jobs.
Ang mga ‘millenial’ ay ang mga kabataang ipinanganak sa pagitan ng 1982 hanggang 2004.
Ayon kay CSC Commissioner Leopoldo Roberto Valderosa Jr. – ang mga batang manggagawa ngayon ay inaasahang hindi magtatagal ng higit sampung taon sa kanilang trabaho.
Sabi pa ni Valderosa – kaya nais ng mga millenial ang home-based jobs dahil nais nilang maging independent, ayaw ang araw-araw na pagre-report sa opisina.
Gusto rin aniya ng mga ito na nagtatrabaho na walang pagmamando ng mga boss.
Sa positibong pananaw naman ng CSC, malaki ang maitutulong ng mga empleyado na nais magtrabaho sa kanilang mga bahay dahil makakatipid sa kuryente ang gobyerno at maiiwasang maabala sa trapiko.