Guwardiya, kritikal sa pamamaril sa Makati City

44

Manila, Philippines – Ginagamot ngayon sa Makati MedicalCenter ang 21 anyos na  security guard nasi Marvin Manlapaz ng Kaizen Security Agency matapos pagbabarilin ng kapwasekyu  na si Erwin Ovenza, 22-anyos.
  Batay sa report ng Makati city police, naganap angpamamaril sa EDSA-Ayala MRT Station sa nabanggit na lungsod.
  Nakuha naman mula kay Ovenza ang kanyang service firearmna isang 9mm pistol na siya umanong ginamit sa pamamaril kay Manlapaz.
  Patuloy pa ring inaalam ng pulisya kung ano ang nagtulakkay Ovenza para pagbabarilin ang biktima.

Facebook Comments