Guwardiya na na-hit-and-run sa Mandaluyong City, pinatawad na ang driver ng SUV na sumagasa sa kaniya; pero, isinampang kaso, itutuloy!

Tuloy pa rin ang kaso laban sa isang SUV driver na nanagasa sa isang security guard sa Mandaluyong City.

Ito ay kasunod ng paglutang ni Jose Antonio Sanvicente sa publiko at humingi ng tawad sa biktimang si Christian Floralde na nagtamo ng injuries sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Matatandaang, noong June 5, habang nagmamando ng trapik si Floralde ay pinatigil niya ang isang SUV sa kanto ng Julia Vargas Avenue at St. Francis street.


Ngunit sa halip na huminto ang SUV ay binangga at ginulungan pa siya nito.

Umabot sa P83,000 ang partial hospital bill ni Floralde matapos ma-confine sa intensive care unit (ICU) na binayaran naman ng kaniyang agency.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), kasong frustrated murder at abandonment of one’s victim ang isinampa laban sa suspek.

Samantala, tinanggalan na rin ng lisensya ng Land Transportation Office (LTO) ang suspek at hindi na kailanman makakuha ng panibagong driver’s license.

Facebook Comments