PNP AVIATION SECURITY, NAKIISA SA CLEAN UP DRIVE SA CAUAYAN CITY

18
Bilang bahagi ng programa ng Isabela Provincial Government, ay nakiisa ang PNP aviation security sa isang clean-up drive sa Cauayan city. Layunin nito na sugpuin ang mga lamok na nagdudulot ng Dengue sa pamamagitan ng paglilinis ng mga pribado at mapublikong lugar.

Sa pamumuno ni Police Captain Julio Maribbay kasama pa ang ilang brgy. officials at ilang residente, nagtungo ang mga ito sa Brgy. San Fermin upang tanggalin ang mga bagay na posibleng pamahayan ng lamok. Maliban dito ay nilinisan din nila ang kapaligiran at nagsagawa ng fogging sa mga bahay at kanal upang mapuksa ang mga lamok.

Samantala, nanawagan naman ang mga barangay officials ng lungsod na makiisa sa pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan ng bawat barangay upang mabawsan ang pagdami ng kaso ng dengue



Facebook Comments