Gwardya ng isang unibersidad sa bayan ng Roxas, Isabela -nagpakamatay

Roxas, Isabela – Nagpakamatay ang isang gwardya ng Isabela State University sa Roxas, Isabela makaraang iwan ng kaniyang live-in partner noong araw ng Sabado.

Nakilala ang biktima na si Michael Caday, 35-anyos, nakatira sa loob mismo ng campus na matatagpuan sa Barangay Matusalem sa nabanggit na bayan.

Ayon sa ulat, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang biktima at ang kaniyang live-in partner kaya naglayas ang babae at nagtungo sa Metro Manila.


Dahil dito ay nagpakamatay ang biktima gamit ang isang 12 gauge shot gun, tinamaan ang kaniyang ulo na nagresulta ng kaniyang agarang kamatayan.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments