Heavy equipment na pagmamay-ari ng dating kongresista, sinunog ng NPA

Zamboanga del Sur – Sinunog ng di umano ng grupo ng New People’s Army (NPA) ang dalawang heavy equipment ng Ramona Construction sa Barangay Licabang, Dumingag, Zamboanga del Sur pasado alas-9 kagabi.

Inihayag ng Dumingag PNP, na isang dump truck at Mitsubishi Canter ang sinunog kung saan lahat ng mga ito ang natupok.

Tinatayang aabot sa mahigit tatlong milyon ang nasabing heavy equipment na pagmamay-ari ni dating Zamboanga del Sur Congressman Victor Yu.


Base ng mga nakakita, bago ang panununog pinalibutan umano ng mahigit sampung katao na hinihinalang NPA ang mga heavy equipment.

Nakipag-ugnayan na ang Dumingag PNP sa 53rd Infantry Battalion para sa hot pursuit operation laban sa mga rebelde.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments