Manila, Philippines – Aabot pa sa 1,348 na pamilya o 5,697 na katao ang nanatili pa rin sa may 45 evacuation centers sa National Capital Region (NCR) partikular sa Marikina City at Quezon City.
Nanatili ring bukas ang labing isang temporary shelter sa Region III partikular ang probinsya ng Bataan.
Nasa 7,414 pamilya o 26,903 na katao ang nanunuluyan pansamantala sa kanilang mga kamag anak at kaibigan.
Ayon kay DSWD Secretary Virginia Orogo, patuloy ang pamamahagi nila ng mga relief goods sa biktima ng mga pagbaha.
Nakaantabay na ngayon ang ahensya para sa mga request para augmentation assistance request mula sa mga apektadong LGU.
Facebook Comments