HABAGAT | Ilang lugar sa QC, binaha dahil sa malakas na buhos ng ulan

Binaha at may traffic buildup na sa ilang lugar sa Quezon City bunsod ng ilang oras na malakas na buhos ng ulan.

Sa Visayas Avenue, gutter deep na ang baha.

Sa Congressional Avenue ext lagpas na sa gutter ang tubig.


Sa Tandang Sora ay lagpas gutter deep na rin ang baha.

Samantala, idineklara na ang first alarm sa Marikina River matapos pumalo sa 15 meters ang antas ng tubig sa ilog pasado alas dose ng tanghali.

Ayon sa Marikina Command Center, as of 1:20 pm, nasa 15.6 meters na ang antas ng tubig sa Marikina River.

Naghahanda na ang mga pamilyang nakatira sa critical areas at rescue teams sakaling magpatupad ng evacuation.

Facebook Comments