HABAGAT | Mahigit 600 mga pasahero, stranded Bicol, at Southern Luzon

Inihayag ngayon ng Philippine Coast Guard na umaabot na sa 635 passengers, 7 vessels, 19 motorbancas ang naistranded at isa sasakyang pandagat ang nasa Port dahil sa sama ng panahon at sama ng condition sa karagatan.

Ayon kay PCG Spokesman Capatain Armand Balilo, umaabot 70 pasahero ang naistranded Pasacao Port sa Bicol Region 18 naman sa Calatagan Port 26 pasahero sa Port of Tingloy

300 pasahero sa Port of Real
61 pasahero Port of Infanta at
160 na pasahero sa Port of Polillo


Paliwanag ni Balilo, patuloy ang kanilang ginagawang monitoring sa iba’t ibang mga Pantalan sa Bicol at Southern Luzon upang malaman kung ilan pa ang mga pasahero ang naistranded dahil sa Habagat.

Pinayuhan naman ni Balilo ang mga pasahero na maging mapagmatyag sa kanilang mga kapagiliran at ireport agad kung mayroon silang nalalaman na maraming mga naiistranded na mga pasahero sa mga Pantalan.

Facebook Comments