Patuloy na makakaranas ng malalakas na pag-ulan ang ilang bahagi ng Luzon dahil sa hanging habagat na pinalakas ng bagyong Fabian.
Kabilang dito ang mga lalawigan ng Pangasinan, Tarlac, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, at Occidental Mindoro.
Bukod diyan, halos buong araw din uulanin ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 525 kilometro hilagang silangan ng Itbayat, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 150 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong nasa 185 kilometro kada oras.
Samantala, nananatiling nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Batanes at Babuyan Islands.
Inaasahan namang bukas ng gabi o sa sabado ng umaga lalabas ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility.