HABAGAT | NFA, bubuhusan na ng supply ng bigas ang mga LGUs relief agencies

Manila, Philippines – Tiniyak ng National Food Authority (NFA) na masusuplayan ang ‘rice requirements’ ng iba’t-ibang Local Government Units (LGUs) at nga relief agencies sa mga lugar na matinding apektado ng pag-ulan na dala ng habagat na pinalakas ng bagyong Karding.

Ayon kay NFA Administrator Jason Aquino, may sapat na rice stocks ang NFA at ang mga ito ay ‘strategically positioned’ sa kanilang mga warehouse sa buong bansa.

Iniutos ni Aquino sa lahat ng field offices ng ahensya na maging alerto at i-reactivate ang kani-kanilang operations center upang mabilis na rumesponde sa ongoing na pagbibigay ayuda ng gobyerno sa mga biktima.


Sa nakalipas na mga araw, matinding ulan ang ibinagsak ng habagat at bagyo kaya at nalubog sa tubig baha at marami ang inilikas na residente mula sa Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region (CAR), Central Luzon, Calabarzon, Oriental at Occidental Mindoro.

Alinsunod aniya sa umiiral na Memorandum of Agreement (MOA) ng NFA sa mga LGUs at relief agencies ay mabilis silang makakakuha ng rice supply anumang oras sa panahong may kalamidad o emergency situation sa kanilang nasasakupan.

Kaugnay nito, nag-deploy na rin ng monitoring team ang NFA para sa assessment ng rice supply at ma-monitor ang presyo sa mga pamilihan.

Facebook Comments