Manila, Philippines – Dahil sa masamang lagay ng panahon kung saan ilang lugar parin ang nakararanas ng pag-ulan at pagbaha, ipinosisyon na ng Philippine Red Cross (PRC) ang kanilang mga rescue vehicles.
Ayon kay PRC Chairman Richard Gordon three 6×6 trucks, seven rescue boats, two ambulances, two mobile kitchens, at isang pumper ang naka-deploy ngayon sa Metro Manila, Nueva Ecija, Marikina, Olongapo, Quezon City at Subic.
Nakapag-distribute na rin ang PRC ng hotmeals sa mga inilikas na residente at pansamantalang nanunuluyan sa Malued Elementary School at Calasiao Sports Center sa Pangasinan gayundin sa Licab, Nueva Ecija.
Kasabay ng pagtuturo sa mga evacuees ng proper hygiene upang maiwasang kumalat ang flood-induced diseases.
Base sa tala ng PRC Operation Center nasa 3,770 families o katumbas ng 16,004 individuals ang pansamantalang sumisilong ngayon sa 75 evacuation centers sa Pangasinan, Zambales, Nueva Ecija, Bulacan, La Union, Marikina, Quezon City, Rizal, Valenzuela, Antique, at Pampanga.
Kasunod nito nanawagan din ang Red Cross ng donasyon sa may mga mabubuting loob at maaari lamang makipag-ugnayan sa Red cross o di kaya ay tumawag sa 0917 834 8378 para sa mga donasyon.