You're viewing an older RMN Networks article from our archives.

Magsasaka pinatay sa saksak sa Makllala North Cotabato

Isang magsasaka ang namatay ng ito ay pagsasaksakin sa barangay Malabuan sa bayan ng Makilala North Cotabato alas 5:30 Linggo ng hapon .
Kinilala ang biktima na si Celso Malig-on Wata , may asawa ,isang magsasaka at nakatira sa Purok 9, BarangayMalabuan, Makilala.
Tinukoy din ng Makilala Pnp ang suspek na responsable sa pananaksak na si Jouie Tulloda , 28-anyos, isang binata, walang trabaho at naninirahan sa nasabing lugar.
Nasa kustodiya ngayon ng Makilala PNP ang suspect . Inaaalam pa ang motibo sa pananaksak. (AGS)

Facebook Comments