Manila, Philippines – Tiniyak ni Special Assistant to the President Christopher Bong Go na mino-monitor ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sitwasyon ng pagbaha sa Metro Manila at iba pang lugar sa Luzon bunsod ng pag-ulan dala ng habagat.
Ayon kay Go, lumipad kahapon pabalik ng Malacañang ang Pangulo galing Davao City.
Aniya, nais ng Pangulo na magsagawa ng aerial survey para malaman kung hanggang saan ang baha pero hindi ito natuloy dahil sa masamang panahon.
Inaasahan naman na ngayong araw ay bibisita ng Pangulo ang mga pamilyang naapektuhan ng pag-ulan.
Facebook Comments