Nakataas ngayon ang yellow rainfall warning alert sa Metro Manila at limang lalawigan sa Northern Luzon.
Sa advisory na ipinalabas ng PAGASA kaninang 6am, asahan ang malakas na pag-uulan o katumbas ng 7.5 to 15 mm/hour sa loob ng tatlong oras sa Metro Manila.
Ganito rin ang mararanasan sa Batangas (Nasugbu, Tuy, Lian, Calatagan, Calaca, Lemery, and Laurel); Cavite; Bulacan; Zambales; Bataan.
Pinaalalahanan ng PAGASA ang mga nasa mababang lugar na mag-ingat sa posibleng pagbaha.
Mahina hanggang katamtamanng pag-uulan naman ang mararanasan sa Tarlac, Pampanga, Laguna, Rizal at northern Quezon.
Facebook Comments