Nagpasalamat ang National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict Legal Cooperation Cluster (NTF-ELCAC LCC) sa makatarungang desisyon ng korte sa kaso ni Alexandra Pardilla Pacalda, isang 24 na taong gulang na New People’s Army (NPA) na kasama umano sa mga human rights defender.
Sa isang statement, sinabi ng NTF-ELCAC LCC na ang pagpataw ng korte ng habambuhay na pagkakabilanggo kay Pacalda sa illegal possession of firearms and explosives ay maituturing na wakeup call sa kabataan na nais sumama sa mga rebelde.
Ayon sa NTF-ELCAC LCC, binigyan na ng pamahalaan ng pagkakataon si Pacalda na mapabilang sa mga benepisyaryo ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program, pero binawi niya ang kanyang boluntaryong pagsuko.
Facebook Comments