HACIENDA LUISITA MASSACRE │ Mga militanteng magsasaka, hindi pa rin nabibigyan ng katarungan

Manila, Philippines – Sumisigaw ng hustisya ang mga militanteng magsasaka kung saan ginugunita nila kasama ang mga militanteng grupo ang ika- 13 taong anibersaryo ng Hacienda Luisita Massacre na hindi pa rin nabibigyan ng hustisya ang mga napatay.

Ayon kay Bayan Sec. Gen. Renato Reyes Sec Gen buhat ng maganap ang madugong Hacienda Luisista Massacre hanggang ngayon ay wala paring napaparusahan kayat sigaw ng mga grupo katarungan sa mga nasawi at nasugatan sa madugong sinapit ng mga magsasaka sa kamay ng PNP at militar.

Matatandaan na daan daang mga manggagawang bukid ang nagsagawa ng kilos protesta noon sa harapan ng Hacienda Luisita kung saan walang habas na silay pinagbabaril ng mga tauhan ng PNP at mga militar pito ang namatay at marami ang sugatan.


Giit ni Reyes hanggang ngayon ay wala ni isa ang napanagot sa mga napatay ng madugong dispersal kung saan ang Hacienda Luisita ay pagmamay- aari ng pamilyang Cojuangco at Aquino.

Facebook Comments