Nagsimula nang manalasa ang hurricane Florence sa coastal ng North Carolina.
Dala nito ang malalakas hangin at nagdulot na rin nito ng baha sa ilang kalsada.
Ang sentro ng bagyo ay inaasahang tatama sa katimugang bahagi ng North Carolina bago ito lumihis pa-timog kanluran.
Inaasahang ibubuhos nito ang aabot sa 40 pulgada o isang metrong ulan sa lugar.
Tinatayang nasa 10 milyong residente ang direktang tatamaan ng bagyo.
Higit isang milyong tao na nakatira sa baybayin ng Carolina at Virginia ang inatasang lumikas habang nasa libo na ang nanunuluyan sa mga emergency shelters.
Facebook Comments