Cauayan City, Isabela- Hindi gaanong naramdaman at naapektuhan sa pananalasa ng bagyong ‘Rolly’ ang probinsya ng Aurora.
Ito ang ibinahaging impormasyon ni Engr. Elson Egargue, head ng PDRRMO Aurora sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan sa kanya.
Malaki aniya ang kanilang pasasalamat dahil walang iniwang matinding epekto ang pagtama ng bagyong Rolly sa probinsya na kasalungat sa paghagupit nito sa bahagi ng Visayas.
Gayunman, bago pa aniya tumama ang bagyong Rolly ay nakapaghanda na ang pamahalaang panlalawigan kung saan naka pre-position na ang mga rescue ng bawat munisipalidad.
Nakakaranas lamang ng maulap at maambon na panahon ang probinsya ng Aurora at mahigpit pa rin na ipinagbabawal ang pagpapalaot ng mga mangingisda dahil sa mataas pa rin na alon sa karagatan.
Nagpapatuloy din ani Engr Egargue ang kanilang pagpapaalala sa mga residente na ibayong pag-iingat pa rin lalo at mayroon pang Bagyong ‘Siony’ na inaasahang tatama sa Northern Luzon.