Ramdam pa rin sa Batanes ang typhoon Liwayway kahit papalayo na ito.
Huling namataan ang bagyo sa layong 305 kilometers hilagang silangan ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 130 kilometers per hour at pagbugsong nasa 160 kph.
Pahilaga ang kilos nito sa bilis na 10 kph.
Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Ariel Rojas – magdadala pa rin ng katamtaman hanggang sa paminsan-minsang mga pag-ulan sa Batanes at Babuyan Islands.
Apektado naman ng hanging habagat ang Ilocos Region, Cordillera at Central Luzon.
Lalabas ng bisinidad ng bansa nag bagyo bukas ng hapon o gabi.
Facebook Comments