HAGUPIT NI BASYANG | Higit 500 pamilya, apektado na

Manila, Philippines – Limang daan at dalawapu’t walong pamilya o katumbas sa mahigit isang libong indibidwal na ngayon ang apektado ng pananalasa na Bagyong Basyang sa Visayas.

Ayon kay NDRRMC spokesperson Romina Marasigan, ang mga pamilyang ito ay mula sa Surigao Del Norte at Surigao Del Sur.

Nanatili ngayon sa 17 mga evacuation centers ang mga pamilyang apektado.


Umakyat na rin sa 2,704 na mga pasahero ngayon ang stranded sa Philippine Coast Guard station sa Visayas,

Nagpapatuloy naman ang relief operation ngayon sa mga pamilyang apektado ng Bagyong Basyang.

May suspension na rin klase sa Biliran, Leyte, Bacolod Cit,y Misamis Oriental, Misamis Occidental, Butuan, Surigao Del Norte, Agusan Del Norte, at Dinagat Island.

Nakapagtala naman ng pagguho ng lupa sa Barangay Ganuton, Carasca, Surigao Del Sur at ngayon inaalam pa kung ilan ang casualties sa nasabing landslide.

Facebook Comments