SUPER CARS | 22 mamahaling sasakyan, nakatakdang durugin ng BOC

40

Manila, Philippines – Inihayag ngayon ng Bureau of Customs (BOC) na nasa 22 mga luxury vehicles ang possibleng durugin at pasagasaan sa pison.

Ayon kay Customs Commissioner Isidro Lapena, may 2 buwan ang mga consignee na asikasuhin ang kanilang mga dapat na bayarang buwis hindi tulad ng ginawang pag-under value o kulang na kulang ang ibinayad sa buwis.

Pinangunahan ni Lapena ang pagbubukas ng mga container van sa MICT, na naglalaman ng mga tinaguriang super cars na pumasok noong isang taon.

Facebook Comments