Manila, Philippines – Asahan na ang maulang panahon sa Visayas at Mindanao lalo na’t bahagyang bumagal ang Bagyong Basyang.
Sa lastest weather bulletin ng PAGASA, huling namataan si Basyang sa 620 kilometers east ng Hinatuan, Surigao Del Sur.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 22 kilometers bawat oras sa direksyong west northwest.
Napanatili ng tropical storm Basyang ang lakas nito habang humikilos papalapit ng Eastern Mindanao.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 80 kilometers bawat oras.
Itinaas na ng PAGASA ang signal number 2 sa Surigao Del Sur habang signal number 1 naman sa mga sumusunod na lugar:
Ilang bahagi ng Southern Samar;
Dinagat Islands;
Southern Part Ng Eastern Samar;
Camiguin;
Leyte;
Compostela Valley;
Southern Leyte;
Bohol;
Cebu;
Negros Oriental;
Siquijor;
Surigao Del Norte;
Agusan Del Norte;
Agusan Del Sur;
Davao Oriental;
Davao Del Norte;
Misamis Oriental;
Misamis Occidental;
Lanao Del Norte;
Lanao Del Sur;
Bukidnon ;
At Northern part ng Zamboanga Del Norte.
Tinutumbok ni Basyang ang Caraga region at posibleng mag-land fall mamayang gabi o bukas ng madaling araw bago lumabas ng Philippine Area of Responsibility sa mga susunod na araw.